Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Reassured

I know I am strong. I believe I am strong, pwera nalang kung hospital at sakit ang pag-uusapan. Naduduwag ako, natatakot, nawawalan ng pag-asa. Katulad ngayon na naglalabas-masok ako sa hospital dahil na-confine si Lolo, para sa kanyang lumber spine operation para makalakad na siya ulit.

Mahal na mahal namin si Lolo, kaya nalulungkot kaming makita siyang nahihirapan, kaya ngayo’y nagtutulungan ang buong pamilya para ma-tustusan ang kanyang opera at expenses sa hospital. 

Nung nasa elementarya pa lang ako, liban kay Lolo Melvin, si Lolo Engracio yung tao na agad-agad kong tinatakbuhan tuwing humihingi ako ng peso, kasi limit lang yung binibigay na peso nina mama’t papa. Scheduled yung paghingi ko, every late afternoon na siya ay galing sa pamamasada ng traysikel. 

Pagsapit ng alas-7 ng gabi, kinukuha niya ang mga paninda ni Lola at inihahatid sa bahay. Nagluluto siya, nag-aalaga ng kanyang mga apo, nakiki-inuman sa mga barkada, pagkatapos, tulog. 

Pagsapit ng alas-3 ng umaga, gising na siya para magluto ng “puto” na ibinibinta ni Lola sa merkado. Inihahatid na rin niya pabalik sa tindahan ang mga paninda ni Lola. Pero that was years ago, nung malakas pa si Lolo. 

Kaya after series of check-ups and doctor’s consultations in Dumaguete City, dinala siya dito sa Cebu for operation. At dumating nga ang araw ng kanyang opera—Monday, June 11, 2012, 1:00pm as scheduled. 

Kinuha siya sa ward at 1:15 in the afternoon. After sa operating and recovery rooms, ibinalik siya sa ward at 1:00am. Ang tagal naming naghintay sa labas, yun pala’y hindi agad inumpisahan ang operasyon dahil hinintay pa ang kanyang private doctor. We only knew na 3:00pm na palang nag-umpisa ang operation. But it’s okay. What’s more important is, successful ang surgical operation ni Lolo. Praise God! 

That's lolo on bed, sent to the operating room at 1:20 pm. 

The situation inside the OR.

 
 Nag-aalas sais na ng gabi, hindi pa rin natapos ang operasyon.

 
 Inside the Recovery Room at 8:55 in the evening. Lolo was brought here right after his operation.

  Lolo resting inside his ward on Tuesday morning.


Now, he’s undergoing his PT (Physical Therapy). Hopefully, tuloy-tuloy na ang pag-galing ni Lolo para makalakad na siyang muli.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: