Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Typical lakwatsera


Wala naman akong kaalam-alam sa budgeting, project proposal, capital outlay, MOOE, supplemental budget; hindi ko kabisado ang buong syudad ng Cebu, lalo na ang 80 barangay na bumubuo nito; hindi ako pamilyar sa mga pulitiko at pamamalakad ng gobyerno rito; sa madaling salita, maliit lang ang aking kaalaman sa kabuuang Cebu City.

Ngunit simula nang pumasok ako sa City Hall, tumulong, nagbahagi ng aking kakayahan at kaalaman sa mga nakakatanda o senior citizens, unti-unti nang lumalawak ang aking kaalaman tungkol sa syudad.

Malaking tulong diyan ang field work sa buong Cebu City—urban at rural areas. Pumupunta ang buong grupo mula sa Office of the Senior Citizens Affairs-Mayor’s Office sa mga Chapter Officials for officers benchmarking at information dissemination tungkol sa financial assistance, social pension, at tungkol sa mga programa at proyekto ng syudad para sa mga elders.

Ako sa totoo lang, gusto’ng gusto ko ang trabaho’ng kung saan ay bumibisita sa iba’t ibang sulok (lugar). At ngayon ay masayang-masaya ako dahil ito ang napasukan kong mapag-aabalahan, and except that, nakakatulong pa ako sa ibang tao lalo na sa matatanda.

Mas lalo pa akong naging "Dora The Explorer" ngayon. (haha!)

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

2 chikaDORAs:

Anonymous said...

I just added your website on my blogroll. I may come back later on to check out updates. Excellent information!

Anonymous said...

I just added your website on my blogroll. Really enjoyed reading through. Excellent information!