Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Si Manong


Si Manong na ang tanging trabaho ay magtinda ng ice cream…
Si Manong na walang iniinda kahit na init ng araw…
Si Manong na ang tanging puhunan ay determinasyon gamit ang maliksing katawan…
Si Manong na ang hangad ay magdala ng saya sa mga bata at matatanda…

Si Manong na ang tanging pangarap sa buong araw na paglalako sa kalsada, ay maubos lahat ng paninda…
Si Manong na nagpapautang sa mga suki…
Si Manong na walang kamalay-malay na tinataguan lang naman ng mga may utang…
Si Manong na palaging umuunawa, kahit hindi tumutupad sa napagkasunduan ang mga may dapat bayaran…

Si Manong na dalawa o tatlong beses sa isang linggo bumabalik sa boarding house…
Si Manong na napalapit na sa’min, si Manong na aming suki…
Si Manong na hindi maihalintulad sa iba…
Si Manong, ang nag-iisang sorbetero na napamahal na sa bawat isa.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

2 chikaDORAs:

Super Kaloy said...

Ganun? Si manong lang naman ang bida dito...sana nalang hindi ako nagkasakit ng oras na yon at sumabay na din ako't bumili ng ice cream...

optimistic dora said...

@ DJ Rem

kung dun ka titira sa boarding hauz, makakain ka ng mraming ice cream...

hahaha, love nman gd namu's manong, munang confident xah kaung mgpautang namuh, hehehe...