Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Paalam pilak ko


This is one of the gloomiest moments in my life.

Ang bilis lang ng pangyayari. Ako ay biktima. Hindi na ako nakapag-react. Hindi ko na lang hinabol ang bata.

Umaga ng Miyerkules, ika-8 ng Hunyo, dalawang libo’t labing isa. Lampas alas otso na ng lumabas ako nang bahay dahil pupunta muna akong ahensiya para kunin ang pera’ng ipinadala. Sumakay ako sa front seat ng jeep dahil bakante naman at dahil puno na ang sa may likuran.

Huminto ang jeep sa harap ng Tresor Internet Café (red light kasi). Isang batang lalaki ang lumapit, pulubi, walang gupit ang buhok, hindi masayadong katangkaran, payat, marumi. Nanghingi siya ng pera. Wala akong barya’ng maibigay dahil sakto lang para pamasahe ang pera ko. Natakot ako dahil mas lumapit ang bata sa’kin. “Pssttt hoy, ay’g se’g pamugos diha! (wag kang mamilit diyan),” sabi ng tsuper sa bata.

Nang malapit nang umandar ang sasakyan, biglang hinablot ng bata ang aking kwintas. Wala akong nagawa, ni hindi man lang ako nakapagsalita. Nabigla lang talaga ako sa nangyari. Parang ang bilis lang para sa iba na kunin ang bagay na may kahulugan sa’yo,ngunit kung wala ka nang laban, hahayaan mo nalang.

Nung hawak na ng bata ang kwintas, ang pendant ang unang-una kong napuna, ang pendant na may kulit ng kabayo, habang sa likud nito’y mga titik sa Chinese. Bigay yun ni mama nu’ng isang taon. Sabi niya, isinangla raw yun ng auntie ko sa kanya, kaya ipinasuot niya sa’kin.

Sa halos lahat ng larawan ko, suot-suot ko na ang kwintas na yun. Nililinis ko yun kada-dalawa hanggang tatlong buwan gamit ang toothpaste. Mahal na mahal ko yung kwintas na yun.

Ngayong wala na siya sa’kin, nafe-feel ko talagang hindi ako kumpleto. Hindi ko pa rin maiwasang isayad sa leeg ang aking kanang kamay. Ngunit wala na, wala na ang bagay na nakakandado sa leeg ko sa loob ng mahabang panahon.

Pagdating ko sa opisina nung umaga’ng yun, nanginginig pa rin ako sa takot. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang nangyari. Ang sakit, parang nawalan ako ng tao’ng mahal ko. Nakakalungkot, nakakaiyak sa tuwing bumabalik sa isipan ang pangyayari, ngunit ngayo’y tanggap ko na, wala na akong magagawa eh.

Habang nagfe-field work kami, hindi ko maiwasang mapatanga, maging tulala. Wala akong ni-isang tao’ng sinabihan tungkol sa nangyari. Ang disposisyon ko ay apektabu dahil dun.

Nakaka-trauma. Grabe ang naging dulot ng krime’ng iyon sa’kin…dahil kapag sumasakay o naglalakad ako at may nakitang bata’ng pulubi o tao’ng pulubi (e-generalize ko na lang), natatakot na ako…nakikita ko ang pahamak.

Ayoko na. Tama na yung isa, pwede? Tama na ang isang snatch. Ayoko nang mawalan ng bagay na mahalaga sa’kin at sa pamilya ko.

--------------------

Sa totoo lang, pangalawang beses na ‘tong nawalan ako ng kwintas. Ang una ay dahil sa ‘king kakulitan (nung nahulog yun sa tabing-dagat habang naglalaro kami ng mga ka-klase ko). At ito ang pangalawang beses, dahil pa rin sa’kin, sa katangahan ko. Ang una ay ginto, sumunod ang pilak.

--------------------

Sa ngayon, pinipilit ko’ng kalimutan ang nangyari, pero hindi pa rin mawala sa’kin ang takot, trauma na ata ‘to. Ginagawa ko nalang therapy ang pakikinig sa kantang “Lullaby for a Stormy Night" ni Vienna Teng. Iniisip ko na lang na sa tuwing may mawawala, may babalik o papalit dun na bago at mas maganda. Pinapaghari ko ang pagiging positibo dahil kahit galit ako sa bata, sana sa tulong ng kwintas na yun, may makakain siya o kaya’y maibili na bago’ng damit at tsinelas. At sana naging masaya siya dun.

Kung sino man ang makabili ng kwintas, sana ingatan niya yun. Hindi na ako mag-hahangad pa na makita ni inano man ng kwintas na yun. Imposible na, sa laki ng syudad at sa dami ng tao.

Hindi naman ako malas, kung tutuusin ma-swerte pa rin ako dahil kwintas lang yung nakuha sa’kin, at hindi natangay yung bag ko o kaya’y ang buhay ko. Sigurado naman akong hindi masyadong kamahalan ang pagbili ni auntie sa bagay na yun.

Pero wag kang mag-alala bata dahil ipapa-blotter pa rin kita para magtanda ka at hindi ka na makabiktima pa ng iba. Siguro ang dami mo na yata’ng na-snatch ano?

---------------------

Sa mga magulang ng mga anak na pagala-gala sa daan, nakikiusap ako sa inyo, alagaan niyo nama’ng mga anak ninyo. Kung hindi niyo sila kayang pakainin, bihisan, at bigyan ng maayos na tirahan, ihatid niyo na lang sila sa mga shelters o sa mga organisasyon na tumatanggap ng mga bata’ng kaawa-awa ang sitwasyon. At kung sa kasalukuyan ay nahihirapan kayo’ng buhayin ang mga anak niyo, ‘wag na kayong gawa pa ng gawa ng maliliit na bubwit. Kawawa ang mga bata. Ano na lang ang kinabukasan na maghihintay sa kanila?

Eto na yung latest photo ko na walang suot na kwintas (taken on the very day na na-snatch ako). *sigh*



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: