Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Because lying was invented


Sorry sa lahat ng nalinlang ko’ng may boyfriend (kuno) ako. Kasalanan ‘to lahat ni Sheila ehh, haha. Hindi, ganito ang istorya…

Gabi ng February 8, 2011, may meeting kami sa TN. Pero the days prior nun, kinakantsawan na nila akong “Uy Dora, Japhet” which is one of the things I don’t like most. Ayoko talaga nung pinagtutulak ako sa iba. Kahit alam kong joke, pero meron namang maraming joke dyan ehh, ayoko lang talaga ng mga ganito.

Okay, that night para mahinto ang mga kantsaw, Sheila told few of them na may boyfriend na raw ako, at yung lalaking yun pa raw ang nagbigay ng kwintas na sinusuot ko ngayon (Haha, suot ko na kaya ‘to since last year).

On the next day, maaga akong pumunta sa office. Minutes later, nagsi-datingan ang mga major kantsawiras, Tonyo and Cheeno. Then dumating na rin si Japhet. The latter told them na sinabi raw sa kanya ni Sheila na may boyfriend si Dora, at sekreto lang yun na iilang [close friends] lang ang nakakaalam. Dahil gusto raw ni Dora na ‘wag nang ipaalam sa marami kasi nga sekreto lang yun (Haha, what a fiction!). Ang galing mag-initiate ng istorya ni Sheila. Eh, hindi ko naman inakalang paniniwalaan nila yun.

Kaya para sakyan ang drama, I posted in Facebook na Dora is “in a relationship”. Toinkz, I didn’t expect na kikiligin pala sila and eventually, maniniwala sa mga istorya ko. (Huhai, kaya ang usual response ko, tumawa nalang)

Sa mga panahong yun, sa TN office, hindi ka pwede’ng makapag-open ng Facebook account from 8:00am-6:00pm. Kaya when I checked my status on the evening, na-shock nalang ako sa comments and likes ng mga friends ko. Ehh, ano pang magagawa ko. Hindi ko na mababawi ang nasabi ko dahil naku, sila ay paniwalang-paniwala na, na finally, nagka-boyfriend na rin ako (Hahaha). So okay, go with the flow na ‘to. Pinasok mo ang gusot at panlilinlang na yan, kaya ipagpatuloy mo nalang.

Hanggang sa umabot sa bahay ang tsismis, ano bah? So I had to explain the truth. Salamat na rin at mas naniwala si Mama sa’kin kaysa kay Keray (Hahaha).

Okay, balik tayo dun sa boyfriend…Ako yung nag-decide ng school kung sa’n siya nag-aaral (ACSAT daw at 4th year Information Technology, meaning graduating din), at ang lugar kung sa’n siya nanggaling (San Carlos City daw). While Sheila created his name, Nico Neil Cuevas (haha). Mabuti na rin at wala ang pangalan na yan sa Facebook, dahil na-iintriga na silang makita ang mukha ni Nico, wheeeh? (Haha)

Sabi pa nila, blooming daw ako nung mga panahong kami ni Nico. (Huh?) Parang wala naman akong napansin ahh (Hehe). Anyways, magandang vibes kaya sakay lang nang sakay sa trip Dora. Nung una, sina Sheila, Maribel at Ruthergen lang ang nakakaalam. Later, mga few days before the TN farewell party, I informed Cherry and Rolyn.

Sorry, hindi ko sinadya yun. Ang gusto ko lang nama’y makaiwas sa mga kantsaw. Pero thank you pa rin kay Sheila, dahil siya ang pasimuno ng lahat ng ‘to.

Di bale nah, nung nakita ko yung mga nag-like at nag-comment sa Facebook stat ko, na-appreciate ko, dahil happy din sila para sa’kin, kasi “in a relationship” na nga ako. Nakakataba ng puso kasi kung sa’n ka masaya, dun din sila masaya para sa’yo. Di ba, ang sarap ng feeling?

Pero ngayon, gusto ko nang klaruhin. Para sa mga colleagues ko sa TN, mga course mates ko sa Mass Communication, sa HS batch mates ko, sa mga friends ko, sa relatives ko, at sa ibang tao, na I am “not in a relationship”, or to be specific, I was “never in a relationship”. Hai naku, kailan kaya ako magkaka-boyfriend?

Pero ito promise ko. If in case man nga, may boyfriend na ako, babawi ako. Isusulat ko talaga’ng pangalan niya, promise na yan. Hindi ko na kayo lolokohin, hehehe… sori na gud!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

4 chikaDORAs:

Xtian said...

ang lupet ng trip ng iyong friends. grabe, parang pang April Fools' lang ta's lumaki. haha

Orange Pulps ♥ said...

i really had fun reading your post mi doh...aba naman...ang dami pala talagang na apektuhan sa "in a relationship" status mo :) at kung sino man yang nico neil cuevas na yan, sana magpakita na sya..hehe

optimistic dora said...

@kristian:

haha, malupit nga, di ko nman akalaing paniniwalaan nilang mga pasabog ko friend...hahaha!

optimistic dora said...

@ orange pulps:

uu nga,affectedsila samantalang ako parang wla lang, hahaha...

sana ngamay nico neil cuevas na nabubuhay sa mundo, hehehe...