Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Pa'no kaya to?


May mga simpleng bagay na kayang gawin ng ibang tao, pero hindi kayang gawin ng isang tulad ko. Tulad nito:

1. Itaas ang kilay nang hindi sabay. Ewan ko kung pa’no ba yan. Sa ilan, ang daling magtaas ng kilay sa mga kaaway or sa mga taong insecure, hahaha...
2. Mag-tumbling. Ilang beses kong ti-nry pero di pa rin. Okay, tanggap ko nalang.
3. Mag-split. Naku, ayokong mabalian, masakit din yun ahh.
4. Umakyat sa puno. Noon kaya, pero ngayon di na pwede, mahirap na kapag mahulog.
5. Mag-drive ng motor. Di ko ma-dare, mabigat ang motor, tsaka ayokong makipag-patintero sa ibang sasakyan sa kalsada.
6. Mag-ballet. Naku, wala talaga akong talent diyan.
7. Mag-gitara. Kahit ilang beses kong sinubukan, hindi ako talaga kailanman matututo ng gitara, I believe.
8. Mag-swimsuit habang nasa beach or resort. Sorry pero, di ko pa rin kaya. Isa pa, di bagay sa katawan ko.
9. Mag-shades sa loob ng campus. Gusto ko kung ano yung nakita nila sa’kin, yun na yun.
10. Maglakad ng mag-isa sa Quezon Park (sa gabi). Baka mapagkamalan akong pokpok.
11. Manood ng Rated XXX na porn. Eew, nakakasuka kaya yan. Kahit marami pa kaming manood, naku tatanggi pa rin ako.
12. Sirain ang computer at ayusin lang kaagad. Sa mga teknikalitis, bogz ako diyan.
13. Uminom ng isang boteng alak. Okay lang if 3-4 shots or lesser, sasakit ang ulo ko agad.
14. Makipag-hug sa mga tao’ng palagi kong nakikita, pwera nalang sa mga kapatid ko. Di ako mahilig sa hugs ehh, di kasi ako sweet na tao.
15. Makipag-away sa daan. Naku, napaka-minus points niyan.
16. Mag-memorize ng one-paragraph For Lang passage within 15 minutes. Haha, anong akala, genius?
17. Makipag-away sa teachers. Kahit galit sa ilan, pero I always maintain my respect for them.
18. Gumastos ng malaki para sa buhok, skin, at kung anu-ano pang abubot. Aksaya lang yan ng pera.
19. Bumili ng tsinelas na lampas P100 ang presyo. Pampaa lang yan, ayoko ring gumastos ng malaki para sa bagay na iaaapak ko lang sa kung saan-saang maputik at mabato'ng lugar. Kaya nga wala akong Havaianas at Ipanema ehh, Havanas at Spartan marami, haha.
20. Makipag-flirt. Kaya nga wala akong boyfriend ehh, haha, joke! Pero sa totoo, hindi ko talaga alam pa’no makipag-flirt. Sa tingin ko, mabuti na rin yun.
21. Umiyak sa harap ng teacher. As much as possible, kailangan maipakita ko na hindi ko kailangang magmamakaawa para bigyan ng mataas na grado. Kailangan maipakita ko sa kanya (sa abot ng aking makakaya) na kaya ko ang kanyang hamon.
22. Magtambay buong araw. Mas okay nang marami akong ginagawa, yung di ka na makatulog dahil kailangang may matapos ka, kaysa walang ginagawa at sasakit lang ang ulo dahil walang inatupag.
23. Maging hangin sa kung anuman ang naging achievement mo. Kasi, hindi kami tinuruan na maging hambong. Isa pa, hindi mabuti ang ugaling na yan.

Yan ay iilan lang sa mga simpleng bagay pero para sa'kin ay mahirap gawin. Salamat sa pagbabasa. Magandang araw!


  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: