Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Panahon ng ubo't sipon!


Ba’t ang tao ang tigas ng ulo? Ba’t kung ano’ng hindi dapat, ay ginagawa? Ba’t ang rami’ng restriksyon? Ba’t kahit mali ay sinusonod natin?

Yan ang totoo’ng ugali ng tao, and I admit, I’m one of those na may ugali’ng ganun. Mainit ang panahon ngayon, kaya natural, ang lalamunan ay maghahanap talaga ng malamig na inumin tulad ng softdrinks at kahit simple o plain na tubig lang.

Kaya resulta, ubo’t sipon and kasalukuyang pinapasan. Kaya, pinagalitan ni ermat dahil nagrerekalamo na ngayon. Yan, yan ang napapala! Ehh, ang rami naman kasi’ng nang-aakit sa paligid, masisisi ko ba'ng sarili ko kung ba't ang dali kong ma entice sa mga pagkain at inumin dyan?

Ngunit sige, aaminin ko na lang, kasalanan ko na kung bakit nag-susuffer ako ngayon ng coughs and colds. Nakakainis, sagabal sa trabaho pag may pakiramdam, pero sana, mawala na ‘to nang maaga pa.

Sana effective ang ni-recommend na gamot ni ermat. Kaya payo ko, kapag mainit ang panahon, wag uminom ng malalamig, kontrolin nyo lang ang sarili.

Ahai, lilipas din tong mga sagabal na 'to!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: