Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Sa TN, araw-araw ay pasko


Sa mga Pinoy, iba ang dulot at impluwensiya ng pasko na ipinagdiriwang tuwing Desyembre. Dito nagsimulang palamutian ang mga bahay at magbalot ng mga regalo. Sa buwang ito, partikular sa ika-bente singko, kinikilala ng buong mundo ang kapanganakan ni Bro, ilang libo’ng taon na ang nakalipas sa isang liblib na lugar sa Bethlehem.

Sa Pilipinas, sa Dumaguete, sa NORSU, hanggang sa opisina ng The NORSUnian, ramdam din ang tinatawag na pasko.

Pasko, pasko, pasko…oh kai sarap nga nama’ng pakinggan ng salitang ito, parang nabubuhayan ang bawat isa kapag nakakarinig ng katagang ‘pasko’.

Sabi nila, ang pasko ang tamang panahon ng pagbibigayan, pagmamahalan, pagpapasalamat. Ngunit naisip din ba nati’ng kahit sa simpleng paraan, ay araw-araw nating ipinagdiriwang ang pasko?

Sa bawat paggising sa umaga, sa bawat langhap ng hangin, presko man o nakakasama, sa bawat minuto’ng pinapakita natin sa mga magulang, kaibigan, at mga espesyal na tao ang ating pagmamahal sa kanila, ang pagbibigay payo at anuma’ng uri ng tulong… ito ay iilan sa mga bagay na nagpapahiwatig sa’ting, araw-araw ay totoo nga nama’ng pasko.

At ganito ang buhay ng bawat kasapi ng TN. Araw-araw na magkasama tayo, simula sa umaga’ng pumupunta sa opisina na chini-check ang mga accounts o magsulat ng post sa blogs… sa tanghali na bakante ang mga computers at may pagkakataong mag-research o di kaya’y manood lang ng mga pictures… hanggang sa hapun na mag-iinterview at mag-encode ng balita… diretso sa gabi na may meeting at panay biruan, “patyanay sa love notes”… o sa buong gabi at bukang-liwayway na nakabukas ang mga inaantok na mata dahil sa may kailanga’ng tapusi’ng trabaho…

…hanggang sa darating ang panibagong umaga na ang iba’y hindi na pumapasok sa klase, meron nama’ng iba na malakas ang loob na pumasok kahit wala’ng paligo. Sa mga pagkakatao’ng ito ay nagpapasalamat tayo’ng andito tayo, nananatili sa kinatatayuan, magkasama sa hirap at sarap ng buhay.

Bawat araw, pinipilit, kinakaya, pinagsisikapan nating lampasan ang mga hamon sa buhay. Mabigat, mahirap man ang papel na ating ginagampanan, ngunit ginagawa natin ang lahat para sa mga kapwa mag-aaral sa NORSU. Ilang beses man tayong nadapa, patuloy pa rin tayong bumabangon para sa iisang misyon, isang layunin na hindi kailanman maaaring bitawan.

Dahil sa ating hangarin na maging boses ng katotohanan at katarungan, pinagtagpo tayo sa iisang bubong, binuo at pinagbuklod upang maging iisang pamilya na titira sa ibabaw ng Bahay sa Alumni.

Araw-araw na tayo ay nasa TN, ramdam ang pagkakaisa at pagmamahal sa isa’t isa. Hindi man natin pinapakita ng harapan, ngunit sa loob ng bawat tahimik na damdamin, alam natin kung ga’no kahalaga ang ating mga kasamahan.

Sa bawat araw na tinatamasa natin ang sarap ng buhay, bahagi dyan ang pagiging parte sa pamilya ng TN… Patuloy tayong magkaisa at maging boses ng mga estudyante—ang paraan ng pagpapakita na araw-araw tayo ay tumutulong, na araw-araw ay pasko.

PS: Sa hindi masyadong familiar sa acronym na TN, it means The NORSUnian pala, ang official weekly publication ng NORSU. hehe, Merry Christmas everyone!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

4 chikaDORAs:

Anonymous said...

Easily I acquiesce in but I about the post should have more info then it has.

D.L. Verzosa said...

Happy New Year to you and to your family.
May 2010 bring you more blessings and happiness!

optimistic dora said...

@ Anonymous

what? hehe, sori i didn't get ur point... ahw? hehe...but, when wen u say it has more info then, well thanks!

optimistic dora said...

@ Ailee Verzosa

hapi new year sad! thank u so much... God bless u ai!