Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Survivors ng NORSU


Dahil estudyante ka pa lang, ang magagawa mo'y sumunod...sunod nang sunod sa mga patakaran.

Ganito ang buhay ng estudyante sa NORSU, lalong-lalo na tuwing kapanahunan ng enrollment.

Pila dito, pila doon...walang katapusang pilahan. Sa isang pirma'ng kakailanganin, aabot pa ng ilang oras bago makuha ang napirmahang papel.

Siksikan, tulakan, ingay, init...ito ang makikita at mararamdaman mo kapag ikaw ay nasa pila o di kaya'y sa loob ng classroom na may hinihintay o babayaran.

Kaya ay makikita mo sa mukha ng bawat isa ang pagod, pawis, mga anyo'ng tila nawawalan na ng pag-asa'ng makapag-enroll ng maaga, lalo na yung may natitirang problema sa kanilang mga guro at ilang subjects.

Hai naku, pag enrollment talaga kitang-kita sa mga estudyante ang mga mukha'ng nakasimangot, galit, inaantok, gutom, masakit ang ulo't tiyan dahil napaglipasan na ang kain para lang maka-una sa pila.

Pero kahit ganyan-ganyan pa man, hindi sumusuko ang mga estudyante sa NORSU.

Sa layuning makapag-aral sa kolehiyo, balewalain ang lahat ng sakripisyo at tatahakin lahat kahit ang mahirap at kumplikado'ng enrollment.

Kaya nga ay matatawag ko'ng SURVIVOR ang bawat isa na nag-aaral sa NORSU.

Ako, ikaw, tayong lahat ay SURVIVORS NG NORSU!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

2 chikaDORAs:

Joemar said...

Agree! masarap talaga kapagnaka survive!

Joemar said...

Agree! masarap talaga kapagnak survive......