Happy bday America, but live on Pinas!
Every fourth of July, America celebrates its independence day. But let me ask this question since we were also once ruled by the citizens of this country before gaining our independence...
Mag-tatagalog ako para ipakita ang pagiging totoong Pinoy...
Paano kung sakop tayo ng America ngayon? Ano kaya ang buhay ng karamihan sa mga nakatira rito? Magkakaroon kaya tayo ng maraming problema—sa employment, pulitika, lalong-lalo na sa ekonomiya?
Minsan naisip ko, sana nasa pamamahala nalang tayo ng America ngayon… at least hindi sana ganito kalala ang sitwasyon natin. At least, nakikita sana natin ang ating mga kababayan na hindi naghihirap, nagtitiis sa bansang tinitirhan…
Ngunit wala na tayong magagawa. In fact, magpasalamat pa nga dapat tayo sa ‘ting mga kanunu-nunuan dahil sa pakikipaglaban sa ating kalayaan. Katatapos pa nga lang nating ipagdiwang ang Independence day ng bansa. So, okay na lang din sa’kin yun. Eka nga, “love your own!”
Kung ano man ang Pilipinas ngayon, yun na yun—produkto ng nasimulan, pinaghirapan at ipinaglaban! Alam ko, there’s still hope. Wag sana tayong basta-basta na lang sumuko sa ano mang pinagdaanan ng bawat isa. Wag nating isisi sa iba kung ano na ang nangyayari sa Pilipinas ngayon, dahil tayong lahat ang may kasalanan. Ngunit, kaya natin to! Ang Pinoy ay hindi nagpapatalo, hindi nawawalan ng pag-asa! Patuloy nating ipagmalaki ang pagiging Pilipino—sa isip, sa salita, at sa gawa!
Mabuhay ang Pilipinas sa kabila ng maraming paninira at isyu na ibinabato ng mgadayuhan! Walang ibang bansa na papantay sa’tin. Patuloy na mamayagpag ang Pinoy!
The Philippines will live on!
4 chikaDORAs:
dami naman talagang magagling na pinoy kaya lang hindi naman sila ang namamahala ngayon. kaya tingin ko nasasakupan pa rin ang pinas hanggang ngayon.
nasasakupan ng mga corrupt na tao.
belated happy independence day to USA.
@ the dong:
nasasakupan nga tayo ng mga corrupt na walang ibang inatupag kundi ang maglibot sa dayuhang bansa... korek u friend!
...aw...maovah?!
sori sa late reaction Doh.,.
daan ka naman sa blog ko Doh! Salamat!
@ DJ Rem:
hehe, sori na gd jeh! no problem, dadaan ako sa blogs mo, soon... thnx,
Post a Comment