Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Simple lang, ngunit imposible!

Sa kaarawan ko ngayong taon, simple lang naman ang wish ko eh, pero parang imposibleng mangyari.

Una ay para sa sarili ko…

Nasanay kasi ako nu’ng high school na may nanghaharana sa ‘kin tuwing bukang-liwayway (dawn) ng mismong araw ng birthday ko. Ang mga kumakanta ay mga kasama ko sa simbahan at mga kaibigan nina mama’t papa. Ang sarap ng feeling pag nahaharana-an ka. Iba eh, feeling mo espesyal ka sa kanila.

Nang mag-college na ako, nung malayo na ako sa kanila, wala! Wala ng boses na siyang pupukaw sa’kin ng maaga. Pero ok lang, meron pa rin naman kasi akong mga kaibigan na kumakanta at bumabati sa’kin, pero nakaka-miss lang talaga yung panahong kinakantahan ka ng maaga.

Pangalawa ay para sa ibang tao…

Ito yu’ng matagal ko nang pangarap—ang mapakain ang mga bata sa Guihob ng masasarap na pagkaing hindi pa nila natikman sa buong buhay nila.

Ang Guihob ay isang lugar sa La Libertad, nasa bukid. Dito lumaki si Papa, dito rin kasalukuyang nagtuturo si Mama. Minsan lang akong nakakapunta sa lugar, at sa tuwing dumadalaw ako roon, nakakaramdam lang ako ng awa sa mga pamilyang aking nakikita, lalo na ang mga bata. Naiisip ko, ganito pala ang buhay ni Papa noon, ma-swerte na nga kami ngayon dahil nakakapagkain ng maayos, nakakapagsuot ng magagandang damit, nagkakaroon ng maraming kaibigan, at hindi napapabayaan. Masaya na rin akong nakikitang masaya ang mga bata sa Guihob.

Wala lang... mga pangarap na kahit isipin ko’ng simple, ngunit imposible pa ring mangyari sa ngayon.

Kahit wala ni isa sa mga ito ang magkatotoo, alam kong balang araw ay hindi ito malayong mangyari…

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

2 chikaDORAs:

just.aian said...

if mag overnight ka 12:01 pa lang kantahan na ka namo...anu?game?

as for the second...unya na pag madato ko tabangan tika...=)

optimistic dora said...

hehe, thank u daan sa second yanz. bsta promiz jd nah nmu hah... a2ng pakan-on mga bata sa Guihob,,

cge bah, sugot ko ana'ng harana-an ko, anytym, bsta ma-haranaan lang ko'g balik! ahehe, mka miss mn gd 2sauna,hehe...