Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


Muntik na: episode 3


Sa ikatlong pagkakataon, akala ko'y katapusan ko na ulit...


Ang buhay talaga oo, walang kasiguruhan. Kung masyado kang masaya, may maliit o malaking trahedya namang nakaabang, na tiyak magdudulot sa'yo ng kaba at nerbyos, o di kaya'y hihimatayin ka. Katulad ng nangyari sa'kin nung nakaraang Huwebes, muntik na yun ah... Pero hindi lang yun ang unang pagkakataon kung saan, akala ko'y huling pamamalagi ko na sa earth. Let me narrate to you the last 2 episodes first.

Noong December 24, 2006, paskong-pasko. May "reach-out" program kaming mga Student Government Officers (SGO)- High School sa isa sa mga mahihirap na lugar sa La Libertad. Una naming pinuntahan yung medyo bundok na parte, pagkatapos ay sa may tabing dagat naman kami. Naging successful and proyekto naming iyon dahil hindi lang kami ang masaya, kundi pati na rin ang mga taong nabigyan namin ng mumunting pamasko. After ilang minuto, napagpasyahan naming magsi-uwian na sakay ang isang "pot-pot". Nasa unahang bahagi ako nakaupo. Papalapit na sana kami sa high way nun, naku biglang nahulog ang malaking niyog before my very eyes, sa harapan ko mismo! Malapit na malapit talaga sa'kin ang pagkahulog, buti't hindi tumama sa ulo ko 'yun, kung hindi, hindi na sana ako aabot ng year of the pig, 2007. Sa sobrang kaba'y hindi nakapagsalita ang aking mga kasama, pero ang driver sobrang daldal. Imbis na maawa siya sa'kin, pinagtawanan pa ako... Pero, buti na rin at sakto ang timing ng kanyang pagpadyak.

Ang second part naman na muntikan na sa aking medyo tanga na life ay nangyari last September 19, this year lang. Kasama si Emang (my friend), galing kami nun sa Freedom Park from an interview, kasi may ina-sign sa 'king features. Thank God at nakuha namin lahat ng facts, so it was the time na bumalik sa kanilang bhauz para kunin yung mga gamit ko dun... Very confident kami sa pagtawid ng mahinhin sa kalsada kasi ang layo pa ng mga sasakyan sa'min, and at that time, may kausap sa cellphone si Emang. While malapit na kaming makatawid sa kabila, hindi namin namalayan na isang multicab na pala ang nasa right side ng aming tinatayuan. Nung nasa kalsada pa lang kami, hindi namin na feel na malapit na pala kami nung masagasaan, hanggang sa nakita namin ang mga stand-by's sa bizhub na pinagtatawanan kami dahil sa ginawa naming kahibangang 'yun. At akala nilay, trip lang naming magpasagasa, pero hindi noh! And naalala pa namin yung titig ng driver, galit na galit siyang tiningnan kami, dahil kahit nasa harap na kami ng kanyang multicab, ay usad pagong pa rin ang aming paglakad na parang wala lang nangyari. Pagdating namin sa bhauz ni Emang... wala lang, pinagtawanan lang din namin ang mga sarili namin. Basta, ewan ko pa'no yun nangyari.

At ang pangatlong beses na fresh na fresh pa rin sa'king isipan ay naganap just this November 6 lang, bandang mga alas 11:50 ng tangghali, sa parehong kalye pa rin (Capitol Highway, North National Road), pero this time, nasa pedestrian lane na ako. While nasa gitna ako ng kalsada, nakita ko ang isang sosy na kotse approaching towards me, so hindi muna ako nagpatuloy sa pagtawid. After nag pass yung car, I found my self stranded in the middle kasi dumarami na ang mga sasakyan. At dun, hindi ko na alam ang gagawin-- babalik ba ako? pipiliting tumawid? o mananatili sa gitna? Para akong isang asong walang nagmamay-ari while nasa gitna ng kalsada at that time. After 30 seconds, napagpasyahan kong tumawid nalang kasi hindi ko alam how long akong mananatili dun... Ok, nasa process na kao ng pagtawid. Nang paglingon ko sa kanan, what...? isang ambulansya ang rumaragasa at nagmamadali, at ang bilis nung nakarating sa'kin. So ang ginawa ko, tumakbo rin ng mabilis para makarating sa kabila. Hay, salamat naman at hindi ako inabot ng gulong ng ambulansya dahil kung gayun, dalawa na sana kaming isasakay 'nun patungong Provincial Hospital. Kahit nasa boarding haus na ako, hindi pa rin nawala yung nerbyos. Kung may sakit lang ako sa puso, marahil inatake na ako sa kalsada 'nun.

At yun ang medyo katatawanan ngunit seryosong kuwento ng muntikan ko nang maputol na masasayang pamamalagi sa mundo. Pero, mahal talaga ako ni God. In times of trouble and danger, nandiyan siya all the time para tulungan at iligtas ka. Sos, akala ko'y matatapos na ang aking teleserye, pero hindi pa pala. Kasi I know, marami pang mesteryong kailangan kong lutasin... at kailangan pa ako ng mundo.

Thanks for reading! I hope you enjoy and learn something from it.

Payong pangkaibigan, or babala nalang para diretso:
Mag-ingat sa pagtawid, lalo na sa may Capitol Highway...
Gud luck!



  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: