Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


'Cause it's your day!





















Since I knew blogging, never did I forget of posting a short piece of written creation about you on your birthday and on the day of all fathers. And since today is your day, I will blog you for the nnth time. Para maiba naman, hahaluan ko ng Tagalog at Bisaya.

Before 12 midnight, instantly flashed to mind that few minutes will be your birthday. Then I cried, because I can't be home on your special day... because I often did the same when I was in college... because I love you that much.

Pa, hindi ako mapapagod kasasabi na mahal na mahal kita, kung gaano ako ka-proud, hangang-hanga, at thankful dahil ikaw ang naging papa namin, ang binigay ni Lord para maging gabay at maging haligi ng pamilya. Ikaw talaga ang tinadhanang maging kabiyak ni mama. Sa agwat ng edad at rami ng kaibhan n'yo, napalaki n'yo kami ng maayos—magalang, may disiplina, may tiwala sa sarili, may takot sa Diyos, at marunong makisama sa lahat ng tao.

Kung magkakaroon man nga ako ng asawa, gusto ko yung tulad mo. At kung hindi man, sapat na'ng ibuhos ko ang buong kalinga at pagmamahal sa iyo, kay mama, at sa mga kapatid ko. Ikaw na yung lalaking mamahalin ko, mamahalin namin habang buhay. Lahat ng payo at mga turo mo sa'kin, nandito lahat, nakatatak sa isip ko. Hindi ako magiging ganito kung wala ka at si mama.

Sana bigyan ka pa ni Lord ng maraming taon para magkasama pa tayo ng matagal nina mama at nina inday. Sa dami ng problema'ng nalampasan natin (dinaanan pa nga tayo ng lindol), alam kong malalampasan din natin ang mga bago pang hamon sa buhay, at haharapin natin 'to ng magkasama.

Pa, kahit hindi ka artista, pero ako ang number one fan mo. Kahit wala kang Twitter account, pero ako ang number one follower mo. Kahit wala kang account sa Facebook, pero ikaw ang pinaka-like ko. I love you so much pa. Palangga ta ka kaayu. Dili nako ma-imagine akong kinabuhi kung wala ka.

PS. Sana matupad ko na yung pangako ko sa'yong dadalhin kita sa Baguio, ang hilig-hilig mo kasi sa agriculture. Don't worry, hindi ko nakakalimutan yun ahh, hehe. :-) Happy birthday pa!

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: