Block it
Sorry pero ganito talaga'ng ugali ko, hindi ako mahilig sumagot ng tawag kahit kilala ko o hindi ang taong tumatawag, pwera nalang sa mga sumusunod:
1. Kung sa tingin ko'y importante ang pakay ng tao (madali ko kasing ma-sense kung ang tao'y tumatawag lang para mangamusta o kaya'y naka-register lang siya sa unlicall at makipag-chikka.
2. Sa mga unknown/unregistered numbers, mas ere-refer ko pa yung mag-text at magpakilala before tumawag. Papatayin ko nalang cellfon ko kung ganun.
3. Mas hindi ako mahilig sumagot ng tawag kapag nasa bus, vhire, at kahit ano pang sasakyan yan, at kapag nasa loob ako ng silid-aralan, opisina, o kaya'y kapag may importante akong ginagawa.
4. Kapag close ko, at totoo ko'ng kaibigan at kapamilya yung tumatawag.
Hindi naman kaysa nagsusuplada, nagtatampo o nag-iinarte ako, pero ganito lang talaga ako. Sana maintindihan niyo, pero hindi naman ganito sa lahat ng panahon. Minsan hindi ko na namalayang may na-miss pala akong tawag, lalo na kapag daytime na natutulog ako. Kasi baliktad yung ginagawa ko ehh, nakabukas ang mga mata ko pag-gabi, pero nakapikit naman pag umaga.
Kaya du'n sa mga hindi ko nasagot na mga tawag, pasensya na po talaga pero friends pa rin naman tayo ehh, hehe. Ganun nga lang, ugali kong hindi mahilig sumagot ng tawag. Ahhm, pwede text2x nalang tayo? Di pa masasayang load n'yo, hehehe...
0 chikaDORAs:
Post a Comment