Bonjour chérie


...You're now inside the world of the optimistic


...So explore, feel free to read and interact

...Thanks. Have a great day!


OA'ng pag-ibig (naghuros-huros nga gugma)


Hai naku, mapapansin mo nalang sa kabataan ngayon, masyadong nagiging-OA pagdating sa pag-ibig. Nagkakagusto nga lang sa isang tao, nag-eemote kaagad kahit di naman siya pinapansin ng taong yun. Nagkakaproblema nga lang sa relasyon ng kasintahan, dinadamay pa ang iba. Kahit wala namang love life, pinapalabas na meron.

Karamihan sa mga kabataan ngayon, binibigyan ng malaking atensyon ang pag-ibig kaysa sa ibang bagay na kung iisipin ay mas importante pa kaysa dito. Masyado’ng dinadamdam ang bawat tagpo, bawat salita, bawat pangyayari sa mga crush, kasintahan, o ex. Kaya ang resulta’y dumadami ang problema. Naaapektuhan ang pag-aaral, relasyon sa pamilya, at pakikitungo sa iba.

Ayoko’ng magmukhang malinis, pero pwede namang kontrolin ang obsesyon sa isang tao ehh, ang pagtingin mo sa kanya, ang estado ng iyong buhay pag-ibig.

Alam kong normal ang umibig, ang magkagusto, ang minsa’y mabaliw sa tao, ngunit ‘wag naman sanang ipalabas na sa pag-ibig lang umiikot ang iyong mundo. Marami ka pang kailangang asikasuhin na mas importante kaysa dito.

Ang gusto ko lang nama’y seryosohin nila ang kanilang pag-aaral. Ang mga magulang ay nag-iisip ng positibo para sa’tin, wag naman sana nating idismaya at biguin kung ano ang inaasahan nila.

Isipin mong bata ka pa. Marami ka pang mapupuntahan at makakatagpo ka pa ng mas maraming tao kaysa d’yan sa isang yan na gumugulo sa ‘yong buhay.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

0 chikaDORAs: